Friday, May 4, 2012

Mabuti pa ang Kuwarta, Salapi at Pera, May Tao


PILONCITO, kaunaunahang gintong pera ng mga kulturadong Filipino
ng 10th at 11th century PH, sa kagandahang-loob ng stacksbowers.com
.

Feel good at feel great ako noong una kong mailathala ang orihinal na akdang ito sa aking occasional broadsheet newspaper, theBUSINESS Paper, gayundin sa Balita, tabloid ng mahigit sandaantaon nang broadsheet sa Filipinas, Manila Bulletin, at ng antigo na ring malaganap na magasin, ang Liwayway.

Sa mabilis na paglipas ng kung ilang kasaysayan, naisip-isip ko: "Bakit ang tao, nananatiling walang kuwarta, salapi o pera, gayong lahat silang 'namumulitiko (mas tumpak ang namumulitika),' pagmamahal sa bayan ang ipinangangako?"

Naalala ko tuloy, nalimutan nga palang ituro agad ng ninunong Filipino sa kanilang mga anak na ang bata pala – mulang bago mag-9 years old o pataas – puwede nang maturuan at matutong magnegosyo. Kung naisanay ang kabataang Pinoy na, imbes na puro gimik, pinagmaneho ng sariling kuwarta, salapi o perang pinagtuluan ng dugo, pawis at luha ng kanilang mga magulang – malamang sa hindi na 10 percent na lang ngayon ng may sandaang  milyong kababayan natin ang naghihikahos! 

Spoiled tayo sa ating mga parents, aminin man natin o hindi. Ayaw nila tayong papaghirapin (sukdulang magkasakit sila’t bumigay hanggang ‘di na makagulapay), kayat hindi natin masyadong ma- gets kung gaano kahirap kitain ang bawat piso na diyes sentimos na lang ang halagang kayang bilhin sa kasalukuyan. Ayaw nilang ipadanas sa atin ang pighating kanilang pinagdaanan. Hu… yabang! Pero, saludo tayo sa kanila.     

Ang mga eskwelahan naman natin, pansin ni dating NEDA chief Ciel Habito, inaaral tayong “maghanap ng trabaho, kaysa lumikha ng hanapbuhay” pagkagradweyt, o kahit na sa pag-drop out, dahil wala nang panustos sa pag-aaral. Pinakukuntento na lang aniya tayong “umasa sa suweldo, kaysa matutong makalikha ng kayamanan.” Kaya ang karaniwang estudyante, jobber (o salarymen, sa mga Hapones) ang kinahihinatnan, imbes na magsigasig na makapagtatag ng sariling business – kesehodang from scratch, microbiz, small o medium enterprises lang, o underground muna (‘tsaka na lang gawing big) – at makapagbigay ng trabaho sa iba, makapag-ambag ng buwis na hindi dapat waldasin ng mga nasa gobyerno. “Entrepreneurship can be learned (hindi ito inborn lang),” dagdag pa ni UP-grad propesor Habito ng Ateneo, at iyan po ang pagpupunyagian nating pag-aaralan dito sa filnafil time at space natin para sa inyo. 

Ang layunin po natin dito, maging daan tungo sa paghahaghag ng tinatawag na “entrepreneurship values” sa mga nasa grade school. Tapos, subukan pa ring makapagturo ng “entrepreneurship skills” sa mga nasa high school at college. Pagkatapos, i-practice natin ang pagpapalitan natin ng ideas, ideals at wisdom sa pagnenegosyo. Kung mga tatay at nanay, tiyuhin at tiyahin, lolo at lola natin ang noo’y mahilig bumili at magbasa, ngayo’y maise-share na nila sa pamamagitan ng filnafil sa mga bagets, o the other way around. “It is divine to be rich,’ di ba sabi ni Deng Xiaoping, komunistang niyakap ang kapitalismo. 

Walang ituturing na masamang tinapay rito sa ating malayang talakayan na may paggagalangan sa karanasan at expertise ng mambabasa.

PERA ng Pinoy sa pamumuno ni PNOY,
sa kagandahang-loobn ng philippinecountry.com .


Kasi nga po, masyado na tayong kulelat sa ating mabilis mga magsipag-unlad na kapitbansa sa Southeast Asia, gayong noong araw, estudyante lang po sila ng ating mga experto na karamihan ay ine-enjoy na lang (kahit malungkot, malamig, minamaliit, nilalait, inaaglahi, at sakmalan nang sakmalan) ang pagtatrabahong namumukiki sa dolyares kayat madaling makabili ng ganito at ganoong materyal na bagay – sa Amerika at Europa.

Pero hindi pa huli ang lahat. Malaki pa ang pag-asa nating matuto sa mga kababayan nating Chinese, sa mga kabiyak na Japanese at Koreano ng ating mga kababaehan, sa mga Bumbay, Arabo at ibang kapatid na Muslim, sa mga Hudyo o Jewish, at gayundin sa mga kababayan nating hardworking Ilocano, Pangasinense, Pampango, Batangan, Bicolano, Cebuano, Ilonggo, Waray at Mindanaoan. Para bukas-makalawa, “ang tao, magkakaroon na rin ng kuwarta, salapi, pera.”

Sabi Da: Ang entrepreneurship ay sistema o programa na kumpletos-rekados sa good business sense at hitik sa social conscience; samantalang ang business – kadalasan at hindi kung minsan – puro profit o tubo lang ang isinasaalang-alang. So, ano ka, kaibigan, businessman o entrepreneur? O huwag kalilimutang magparamdam, ha? Sa susunod na mga isyu, maaari na tayong maging lalo pang interactive, convergent, interlinked and interconnected: marc_guerrero@journalist.com #    



Pandagdag-kaalaman
STORY OF PHILIPPINE MONEY from the Central Bank of the Philippines
http://www.bsp.gov.ph/bspnotes/brief_evo.asp

No comments:

Post a Comment