Friday, May 4, 2012

Inspired ni Joey de Leon


Filipinong-Filipino ang kahulugan ng FilnaFil. Feel na feel natin ang ating pagka-Filipino saanman tayo naroroon sa mundo. Tayo ay filled up na filled up kapag tayo ay masaya; hindi baleng wala o tama lang sa araw-araw na ginawa ng Lumikha, basta ang mahalaga sa Filipino ay masaya tayo, malaya tayo at hindi tayo nagkakasakit. Ang ultimo nating inaadhika o minimithi sa buhay ay maging fulfilled na fulfilled tayo sa lahat ng bagay. 

SALINTSHIRT ni Joey de Leon sa "No One is Above the Law" (linyang pinaghugutan din ni Mayor Fred Lim pamaskil ng mga pader sa buong Maynila, pero hanggang 2013 na lang iyan), sa kagandahang-loob ng Aliwan Avenue corner Show Blvd blog ni Xixi Maturan. 
Siyanga pala, noong 1989, may cartoon strips ang renaissance gentle Filipino na si Joey de Leon sa pahinang pinamatnugutan ng journalist at editor na si Marc Guerrero para sa Diyaryo Filipino, ang pamagat ay “FilnaFil.” Sa obrang iyan humugot ng inspirasyon ang filnafil ng ika-21 siglo ng mga pagsasalin ng lahing Filipino. Maraming salamat, Joey de Leon, sa pamana mong iyan sa kasalukuyan at susunod na henerasyon ng kabataang Filipino!   

No comments:

Post a Comment